This is a song I would like to share to you all, It's recorded and composed by my friend Dian Co (Soul to Speak)... the link for the music is below (choose play lo-fi)
Verse:1
Kakatapos lang ng ulan
Nalalanghap ulang siningaw
Ang amoy ng lupa
Dahong sinayaw ng hanging
Sumisimoy ng dahan-dahang
Pre-Chorus:
Pahalik sa aking muka
Ako'y tumingala
Sa ulap na bumukas para sa
Lanngit na sumisilip
Sa nilinisang mundo
Chorus:
Ilaw na bigay ng bituin
Sa bawat mata'y nananalamin
Minamasid ang hiling
Mithiin at dalangin
Kung ramdam mo ang yakap at lamig
Ilabas ang init ng pag-ibig
Simbolo ng pag-asa
Sayo at baway isa
Verse:2
Kung ang luha ng puno
Ay hinihipan niya upang matuyo
At ang pag kumpas ng talahib
Ay masayang bumabati
Para lang sayo
Bridge:
Ang pisngi ng buwan
Ay humihiga sa bawat nilalang
Upang bigyan liwanag
Ang tulog na sanlibutan
By Dian Co (Soul to Speak)
http://www.soundclick.com/bands/page_songInfo.cfm?bandID=419054&songID=2968275
No comments:
Post a Comment